bob ong?



HOME SWEET HOME Ü

halus kakauwi ko lang from school galing esdraw, at wala daw kaming esdraw sa friday, actually walang pasok at all kase ninoy aquino day. HURRAH! NOT. may take home assign naman kase sa esdraw. tskkkkkkkkkk.


anyway... habang pauwi ako kanina from school naalala ko bigla si bob ong dahil nakasakay ako ng jeep. naalalala ko yung discussion niya about sa iba't ibang klaseng jeepney drivers sa bakit baligtad magbasa ng libro ang mga pilipino.
at dahil pasahero lang ako... napagpasyahan kong ilista naman ang iba't ibang klase ng pasahero sa jeepney na araw araw at gabi gabi kong nakakasabay sa aking pagbiyahe! :)



una sa listahan ko ay ang...

± SLEEPING BEAUTY

sila ang tipo na pagsakay palang e napipikit pikit na, at mapapansin mo nalang nakasandal na sayo. bilib ako sa mga ilang ganito dahil kahit anong bako at pangit ng daan, masaya pa din silang nananaginip.
- sila and madalas na hindi nagbabayad at lumalampas sa dapat nilang babaan!

± STUDENT AT SENIOR CITIZEN
ito naman ang mga klase ng pasahero na kapag nagbayad ehhh ganto "bayad po ESTUDYANTE!" ... abay talagang kahit halata ng estudyante ka dahil sa kumpleto mong attire na uniform at ID, sasabihin mo pa din na estudyante ka dahil sayang nga naman and discount!
- sila ang madalas maingay sa jeep dahil bitbit nila lahat ng kaklase sa jeep (ewan kung bakettt)

± TEXTERS
sila nman ang mga tipong pagkatapos magbayad e kukunin na ang cellphone. at yun lang buong gagawin buong byahe na di mo namalayan na andyan pala sila. (ako namalayan ko dahil nag eenjoy akong tignan ang facial expression nila! tuwa, galit, inis, KINIKILIG :))
- sila din ang madalas lumampas dahil sa sobrang txt e di na namalayan ang destinasyon.

±ALSABALUTAN GANG
ito naman ang mga pasahero na dala na ata ang buong bahay kaya pag sumakay na sa jeep eh nagdudulot ng traffic dahil sa napakaraming isasampang gamit. iniisip ko nga minsan na unfair dahil dami nilang gamit pero pareho lang ang bayad!
- un nga. sila ang nagko cause ng traffic!

±MANYAK TINGIN/MANYAK DIKIT
di ko lam kong may naranasan na kayong ganito, pero ako meron na kaya sasabihin ko na.
ang MANYAK TINGIN ay yung tipong buong byahe ay napakalagkit ng tingin na konti na lang talaga ay malulusaw ka na!
ang MANYAK DIKIT naman ay yung kahit napakaluwang pa ng jeep e sobrang nakadikit sayo, konti nlang ay papakalong na!
NOTE: sila ang mga kadalasang mukhang adik! kung sanang gwapo eh di sana di ko na tinawag na manyak... hehe.

±PDA
eto naman and ayaw na ayaw ko nakaksabay dahil nakaka pollute ng aking inosenteng utak!
sila yung tipong parang sawa na nakapalupot sa isa't isa. para bang mawawala yung isa pag binitiwan niya eh.
para ka talaga nakalibre ng love story na pirated pag may nakasabay kang ganito. :)


± X RATED
eto naman ang klase na kung magbihis e litaw na ang kaluluwa. hindi lang babae ahh, pati lalake!
nung minsan may nakasabay ako na litaw na litaw na ang kalahati ng boxers short niya! josko po. kulay purple pa nman. haha.
- sila ang nagiging dahilan kaya lumalampas ang ibang pasahero dahil nakatitig ang mga ito sakanila.
(ako naman nung nakaranas nito, gusto ko ng bumaba! nagkakasala lang ako ng di sinasadya haha :D)


±HAPPY GO LUCKY
may nakasabay na ba kayoyung tipong parang tanga na naka ngiti lang buong biyahe??? ako meron na! sila yung tipong parang walang problema sa mundo kaya masaya lang sila.
naiinggit ako minsan sa mga ganto :)

±EMO
ito naman yung mga pasahero na parang namatayan dahil napakalungkot nila at buong biyahe ay nakatitig lang sa daan. madalas din may dala lang na ipod ang mga ganito at nkikinig nalang hanggang makababa.

±PARROT
sila naman ay yung parang radyo na sa jeep dahil kung makapagkwento at makapagsalita ay rinig ng buong hi way sa daan. sila ang madalas kong kainisan lalu na kung wala ako sa mood. (pero minsan ganto din ako :D)



SO FAR. yan lang pa naman ang mga nakasalamuha ko sa jeep. iba't ibang pag uugali pero inaamin ko na me ilan ilan dyan na AKO din. hehe. :)





Ü
Friday, August 14, 2009 @ 1:50:00 PM / comments


Newer posts»






Copyright ©. Layout by OhMissLinda.
Please view with Google Chrome in a screen resolution of 1280 x 800.
Picture from: Tumblr All rights reserved 2011 - Infinite.