PMS.



Hanggang kailan? Palagi na lang yan yung tanong na gumugulo sa isip ko. 



Hanggang kailan kami malulungkot? Hanggang kailan kami maghihirap? Hanggang kailan kami iiyak?

Time heals all wounds? Hindi ko na pinaniniwalaan yan. Hindi panahon o oras ang magpapagaling sa sugat ko. 

Akala ko date parang sa relasyun lang eh. Na katapos ng tatlong buwan okay na. Na magiging normal na ulit. Pero pitong buwan na. Pitong buwan na pero di pa rin nabawasan yung sakit. Pitong buwan na pero ang hirap hirap pa din pagpatuloy ang buhay ng wala siya.
Di pala katulad ng relasyun ang ganito. Magkaiba pala ang iniwanan sa nawalan. Sa nawalan hindi ginusto, sa nawalan wala ng balikan. 

Ang daling magpanggap. Sa harap ng pamilya ko, sa harap ng kaibigan ko, at sa harap ng ibang tao. Ako na siguro ang isa sa pinakamasiyahing tao na makikilala mo. Laging nakatawa, laging nagpapatawa. Sino ba naman kase ang gustong makarinig ng malulungkot na istorya? Sino ang gusto ng maraming problema? Wala. Kahit naman siguro ako ayoko ng malungkot. Gusto ko laging masaya lang. Kaya nga bugbog na bugbog na itong blog ko sa lahat ng drama ng buhay ko eh. Ito lang kase ang handang makinig sa malulungkot na eksena ng buhay ko na ayokong ibahagi sa tao.

Minsan nga ayoko ng pumunta sa sementeryo. Mas madali kasi ang magkunware. Madaling lokohin ang sarili. Mas madaling isipin ko na nasa ibang bansa lang siya. Na darating yung araw na babalik siya. Sa sementeryo kase para akong nabibingi sa katotohanan. Andun lahat ng sakit eh. Yung katotohanang wala na talaga siya. Na kahit kailan, kahit gaano pa ko katagal maghintay, hinding hindi na siya babalik.

Kaya nga siguro tumigil na kong magsimba at magdasal. Nauuwi lang kase sa pag iyak ko. Pag kinakausap ko ang Diyos, di ko mapigilang malungkot at lalung alalahanin siya. Wala akong sinisisi. Tapos na ko sa eksenang sisihan. Pero ang pagkalungkot, matatapos pa kaya? 


Hindi sa ayaw ko siyang maalala. Baka sabihin niyo ang sama kong tao dahil sarili kung magulang ayokong maalala. Perong pitong buwan na akong nabubuhay sa kalungkutan. Pitong buwan na akong manhid. Pitong buwan ng masakit ang puso ko. 

Hanggang kailan ba ako ganito?


Labels: ,

Sunday, September 4, 2011 @ 7:45:00 PM / comments


« Older posts Newer posts»






Copyright ©. Layout by OhMissLinda.
Please view with Google Chrome in a screen resolution of 1280 x 800.
Picture from: Tumblr All rights reserved 2011 - Infinite.