So... tagalog tong post na to. Maglalabas lang ng kaunting hinanakit.

Gumimik kami kagabe ng mga classmates ko. Lima kame. Bale dalawa kaming babae, dalawang lalake at isang bading. Nagpunta kami dun sa may inuman malapit samen. Yung murang inuman. Yung tipong walang tao, mga matatandang nagiinuman lang ganun. Gusto nung dalawa naming kasamang lalake dun kase daw para swak kaming magkekwentuhan. So ayun na nga kwentuhan, tawanan. 9pm napagpasyahan naming lumipat. Gusto daw nila kase magkantahan. So yun, punta naman kame sa diamond. Marami dun eh. Inuman+videoke. So dun naman kame. 


Actually, isang hinanakit lang naman talaga sasabihin ko eh. Nilagyan ko lang ng mahabang intro. Bale andun nga kame sa may diamond, di ko na maalala pano napunta sa usapan ang kaartihan ko. Pero yun nga naitanong ko lang kung naartihan ba sila saken. Tapos sagot nung isang lalake naming kasama. "Oo sobra. Sobrang inis nga kami nun sayo. Kung di lang kita kakilala ngayon, malamang naiinis pa rin ako sayo." Tapos naiyak ako. Naiyak ako di naman talaga mainly dun sa sinabi niya, part lang nun yun. Alam ko naman na maarte talaga ako. Masyado lang kase akong emotional kagabe dahil sa stressed sa finals, pms, hormones, tatay ko(or lack thereof), at alak na din. So ayun nga umiyak ako sa bar. Ewan ko ba. Naiyak siguro ako kase ang angas ng kaklase kong yun eh. Ang angas magsalita. Masyadong prangka. At isa pang kinasama ko ng loob e paulit ulit niyang sinasabe na maganda daw si K (yung kasama naming girl na super bff niya) kumpara saaken ng sampung beses dahil sa ugali niya, dahil sa kabaitan niya. Try niyang ipamuka sakin yun no? Pakiramdam ko tuloy ngayon di ako mabuting tao. Napakabigat sa loob ko yun. Ayaw ko na tuloy siyang maging ka close. Nagsisimula na pa man din kaming maging close. Hinatid niya pa rin naman ako pauwe, atsaka kino comfort. Tapik tapik sa buhok parang aso, tanong kung okay lang ba ko. Ayun. Pero ewan ko bitter ako sakanya right now.


Naisip ko tuloy, sakanya ba talaga ako bitter o sa friendship nila? Tatlo kasi yun eh. Si K (yung babae), at yung dalawang lalake. Silang tatlo ang super friends. At nakikita ko kung pano nila itrato si K. Para siyang prinsesa. Para siyang may dalawang instant kuya/daddy/bestfriends. At naiinggit ako dun sa friendship nila. Actually hinde. Naiinggit ako kay K dahil meron siyang dalawang lalakeng handang mambugbog para sakanya. (May nangyari ng ganun). Wala kase akong sobrang matalik na kaibigan na lalake na handang paglaban ako, handang makipag bubugan and all. Kasalanan to ng lola ko, pinagbawalan niya akong makisalamuha sa mga lalake. (Lol@salamuha). I mean, di naman sa mapapaaway ako. Kung sakali lang naman. Masarap lang isipin na may taong handang ipagtanggol ka hanggang wakas. Gusto ko ng lalakeng friends na tulad nila. Gusto ko ng lalakeng best friend.


On a lighter note, muntik na kameng mapaaway kagabe! Ang exciting lang! First time ko. Haha. Nagkukulitan kase kami nung isa pang lalake. Kinikiliti niya yung kili-kili ko, tapos tawa siya. Eh bigla napansin ng mokong yung nasa kabilang table. Lalake at babae naghaharutan ng wagas. Turo naman daw niya sa labi niya, tapos tawa siya. So ako naman nakitawa din. Eh kaladkarin akong tumawa eh. Yung tipong mahihiya ka minsan na kaibigan moko. Ganun ako tumawa. Eh nakita nung babae yung pagturo at pagtawa ko kaya ayun galit na galit yung babae! Bakit daw namin pinagtatawanan, etc. So tumayo yung kaharutan kong yun at nakipag usap dun sa lovers. Naayos naman. Syempre dineny namin no. Hah! Angas na babae. 


Oh yun lang. May exam pa ako bukas. Di ko nga alam bakit ako napa blog. Though masakit pa din loob ko. Pero keri na. I can't please everyone ika nga ng nila. Diba. Ang mahalaga eh sembreak na pagkatapos ng bukas. Lol. Bye!



Labels: ,

Monday, October 17, 2011 @ 12:38:00 AM / comments


« Older posts Newer posts»






Copyright ©. Layout by OhMissLinda.
Please view with Google Chrome in a screen resolution of 1280 x 800.
Picture from: Tumblr All rights reserved 2011 - Infinite.